Passion project ni Mikoy Morales ang 4 Days kung saan bida siya bilang si Mark, isang gay na na-in love sa college roommate niyang si Derek (Sebastian Castro).

Inupuan niya nang husto ang pelikula kasama ang direktor na si Adolf Alix Jr.

Featured sa pelikula ang kanta niyang Ang Pusong Di Makatulog, na inakalang sinulat para sa pelikula.

Paglilinaw ni Mikoy, nagkataong kakatapos lang niya sa ginawang kanta at naisip na babagay ito sa tema ng 4 Days kaya inialok niya ito sa direktor.

Bilang malapit na magkaibigan ang dalawa, maganda ang teamwork nila.

Sa dami ng gay-themed indie films, iba ang timpla ng kanilang pelikula kaya proud dito si Mikoy.

‘Di ba, Virginia Pakokak?

***

ISA si Thea Tolentino sa mga artistang nahihilig sa cosplay.

Sa isang Instagram ay pinakita niya ang excitement sa bago niyang costume.

Naka-blonde wig si Thea, at pupunta raw siya sa isang cosplay event next month.

Maraming fans ang natuwa sa post niya at hinulaan pa kung sinong character ang gagampanan niya.

Dahil blonde na nakatirintas ang buhok, inisip ng iba na si Elsa ng Frozen ang gagawin niya.

Ikinumpara pa ‘yon sa role niya sa Haplos dahil tema rin ng magkapatid na babae ang gagampanan niya.