Miles, Michelle, Katrina kinondena sa pagtawag na laos ang Super Junior


Nanguna sa tren­ding hashtags kahapon sa Twitter Ph ang #ApologizeToSuperJunior at #RespectSuperJunior dahil sa naging episode last Saturday ng Home Sweetie Home na pinagbibidahan nina Toni Gonzaga at Piolo Pascual.

Ang Super Junior ay isang sikat na Korean boy group consisting of 11 (originally 12) members na sina Leetuk, Heechul, Yesung, Kangin, Shindong, Sungmin, Eunhyuk, Donghae, Siwon, Ryeowook at Kyuhyun.

Maituturing na silang isang institusyon dahil sa tagal na nila sa industriya (since 2005) at isa sa respetado talaga sa mundo ng Kpop.

Sa Christmas episode ng Home Sweetie Home aired last Saturday na kinunan pa sa South Korea noong November, pinalabas ng show na laos na at hindi na uso ang Super Junior na labis na ikinagalit ng ELF (tawag sa mga fans ng Super Junior).

Sa isang eksena ay makikitang sinasabi ni Empoy Marquez kina Miles Ocampo, Michelle Vito at Katrina Legaspi ang “kasama ba sa Seoul bucket list n’yo ang pagpunta n’yo sa Super Junior? Sama n’yo ‘ko ha?”Sagot  naman ng tatlong girls, “Super Junior? Eeww!” Pagkatapos ay sinabi ni Miles na “Oy, Sir Nards (Empoy), BTS na ang uso ngayon, napaka-tito mo talaga!” saka nagtawanan.Ang BTS na binanggit ni Miles ay isa ring South Korean boy group na hindi rin naman matatawaran ang kasikatan ngayon lalo na sa bagong henerasyon.

Nagsimula naman sila in 2013 kaya naman talagang nauna nang milya-milya sa kanila ang Super Junior in terms of kasikatan worldwide.

Needless to say, ikinagalit ng labis ng SuJu fans ang naturang eksena at tala­gang nag-ingay sila sa Twitter para ilabas ang kanilang galit gamit ang hashtags na #RespectSuperJunior at #ApologizeToSuperJunior.Kinondena nila ang show, ang writer ng show pati na sina Miles, Michelle at Katrina na siyang nag-dialogue ng hindi nila nagustuhan about SuJu. “Super Junior is one of the LEGENDS who paved the way of HALLYU to the WORLD.

They were Kings then. They are Kings now. I’m disgusted by people who thinks it’s funny to create script with disrespectful words toward them,” tweet ng isang fan.Comment naman ng isa, “how Jugemental and Discriminated for Super Junior.”Another one tweeted, “stop using kpop for clout if you’re just gonna disrespect them. you have no idea how long the legacy of super junior is and they don’t deserve to be treated as mere “oldies.” go make a formal apology @ABSCBN_Showbiz.

super junior never deserved that.”Ilan lang ‘yan sa daan-daang galit ng fans na nabasa namin. Walang tigil ang comments nila simula noong gabi pa lang after the show hanggang kahapon.

Kaya naman bandang 10am kahapon ay sunod-sunod na naglabas ng kani-kanilang apology ang show mismo, at ang tatlong girls na sina Miles, Michelle at Katrina. “Home Sweetie Home apologizes for a dialogue on our December 22 episode which has offended some of our Kapamilya Super Junior fans.“We have high respect for SuJu and acknowledge that they are one of the first groups to pave the way for KPop Revolution in the PH.

We intended to establish their seniority, but we admit that we should have used better terms to say it.“We truly regret the mistake, and it’s a learning experience for us. We will be better po next time.

Maraming salamat po sa pag-unawa, and Merry Christmas, Kapamilya,” ang post ng Home Sweetie Home sa kanilang Facebook account.Si Miles naman, kasabay ng apology ang halos pagmamakaawa sa fans na tigilan na ang pangba-bash sa kanya. “Hi everyone.

This is too much. I really don’t want to react about this. Pero hindi pwedeng hindi. Ang sakit sakit n’yo po magsalita. Nakakatuwa kayo. “First of all, I’m not a fan of any K-pop group.

I really have NO IDEA AT ALL. When I went to Korea last November, hindi po ako nag-expect ng kahit ano kasi po hindi po ako nanonood ng kahit anong Kdrama. Wala po akong alam at kilala. 

“Kaya kung ano man po ang nasa script, wala po akong alam dun. And for those who are saying na “wag mong idahilan na nasa script yun!” or dapat alam ko yung sinasabi ko, pasensya na po. 

“May mga bagay po minsan ang artista na nagbibigay kami ng opinions with our lines, but this time di po ako nagtanong kasi wala akong alam. “So, might as well just follow the script instead of pretending diba po?

Whatever it is, it was my character. NOT ME. “So for the first and last time, I AM SORRY. Please please please PLEASE stop bashing me. Ang sakit sakit nyo magsalita. Please stop it,” ang mahabang pahayag ni Miles.

Sa kanyang IG story naman nag-apologize si Katrina.“Good morning po.

I would like to apologize to the members ang fans of Super Junior. Super sorry po sa mga na-offend at nasaktan. Thank you po for understanding,” ani Katrina.Si Michelle ay sa Twitter account naman niya humingi ng sorry. “Bago ko po simulan ang araw na po ito.

Humihingi po ako ng sorry sa lahat po na nasaktan namin lalo na po sa Super Junior at kanilang fans (and even non fans) Sorry po talaga. I’m praying this coming Christmas na matanggap po namin ang forgiveness niyo po. Sorry po ulit..” tweet ni Michelle.