Milestone store ng Jollibee sa Guam bubuksan sa Abril 6

Inanunsyo ng Jolli­bee Foods Corporation (JFC), ang pinakama­laki at fastest gro­wing Asian restaurant sa buong mundo, ang nalalapit na pagbubukas ng kanilang milestone store sa Guam. Ito ay bahagi ng kanilang mga expansion plan sa buong mundo. Ang pagbubukas ng nasabing milestone store ay alinsunod sa layunin ng JFC na pagpantayin ang kanilang domestic at international sales.

Magbubukas ito sa April 6, 2019 malapit sa Micronesia Mall (Dededo, Guam). Bukod sa nasabing store ay mayroon pang 37 Jollibee stores ang kasaluku­yang nasa loob ng U.S. Ilan sa mga ito ay nasa New York, Florida, Te­xas, California, Hawaii, at marami pang iba.

“This is a special moment in Jollibee’s history. We’ve long dreamed of the day we could serve the beautiful island of Guam, with its unique blend of Paci­fic, Asian, and American cultures and cuisine,” ani Dennis Flores, Pre­sident and Head of International Business – Europe, Middle East, Asia and Australia. “We believe that our best-selling Chickenjoy and other favorites will appeal to the diverse people of Guam.”

Dadalhin ng Jolli­bee sa Guam ang pinakasikat nilang menu kabilang na ang world-famous crispylicious at juicylicious Chickenjoy; Jolly Spaghetti, kasama ang signature sweet-style sauce nito; at Jollibee Burger Steak with beefy patties na may special mushroom sauce.