Miley Cyrus huli-cam ang laplapan kay Cody Simpson

Miley Cyrus huli-cam ang laplapan kay Cody Simpson

Huli-cam ang iconic singer na si Miley Cyrus na nakikipaghalikan sa kaibigan na si Cody Simpson. Kalaunan din niyang inamin na totoo ang nasabing video na nilaplap niya ang Australian hunk.

Nitong Oktubre 5 ay nakuhanan ang singer na kaagad nag-viral sa social media. Nanawagan pa siya sa Instagram na ang taong kumuha sa Facebook ay isang “sneaky ass”.

Aniya, “Can a girl not get a fucking acai bowl and a morning make out session in peace?”

Sa sunod-sunod na story ay inamin pa niya na type niya ang kaibigan. Sino ba naman kasi ang hindi mahuhumaling sa plakado niyang abs?

Matagal nang magkaibigan sina Cody at Miley, pero hindi sigurado kung beyond friends nga ba ang relasyon nila.

Namataan na naglalaplapan ang dalawa sa Backyard Bowls Eatery sa Los Angeles.

Kamakailan lang ay pormal na inanunsyo ni Miley at ng kanyang ex na si Liam Hemsworth ang kanilang hiwalayan. Hinihinala na nagbunga ito dahil sa rumored relationship ni Miley kay Kaitlynn Carter.

At ngayon ay muling nagbabaga ang intriga na may relasyon sina Cody at Miley. Dati na ring na-isyu ang dalawa matapos ma-link noong 2014 dahil madalas silang nakikitang magkasama noong 2015. (Ronaline Avecilla)