Ginulat ni Miley Cyrus ang kanyang mga tagahanga sa kanyang latest Instagram post. Nakahubad sa disyerto habang sinasabi niyang hindi na siya makapaghintay sa tag-init.
Komento ng iba ay mukhang bumalik na naman siya sa dati niyang may pagka-naughty na ugali tulad nu’ng mga panahong nasa Malibu pa siya.
“Woodstock here I come ! When I’m not riding a wrecking ball, you can find me on a giant cock,” sey pa ng asawa ni Liam Hemsworth na ikinasal noong December 23.
Hindi niya nilinaw kung ano at saang festival niya ginamit ang naturang napaka-revealing at seksi piktoryal.
Para kaya ito sa Coachella na magsisimula sa Abril 12 at magtatapos sa Abril 21. Ang Coachella Valley Music and Arts Festival ay isang taunang pagdiriwang ng musika at sining na ginaganap sa Empire Polo Club, Indio, California, Matatagpuan sa Coachella Valley ang Inland Empire sa Colorado Desert.
Ang Woodstock naman na binanggit niya ay babalik sa Agosto 16, 17 at 18 sa Watkins Glen sa New York. Dagdag pa ng umawit ng Wrecking Ball, na ang malaking bahagi ng kanyang pagkatao ay iyong pagiging masayahin niyang tao. (Lourdes Fabian)