Muling nagkasagupa ang mga tropa ng pamahalaan at mga miyembro ng rebeldeng New People’s Army sa Barangay San Pedro, Luisiana, Laguna kahapon ng umaga.

Bandang alas-sais ng sumiklab ang putukan sa nasabing barangay na umabot hanggang sa katabing Barangay ng Nalunao, sa bayan ng Lucban, Quezon.

Matapos ang ilang minutong bakbakan ay umatras ang mga rebelde.

Ayon kay 202nd Brigade Commander, Col. Arnulfo Burgos, wala namang nasaktan o nasawi sa panig ng pamahalaan pero bakas ang mga bahid ng dugo sa rutang dinaanan ng mga rebelde.

Kamakalawa ay nagkaengkwentro din ang mga NPA at mga militar sa Sitio Bantigue, Barangay Cagsiay 2, Mauban kung saan nasawi si Col. Argel Joseph Dela Cruz ng Philippine Army.