Military camp bilang drug rehab oks kay Atienza

Camp Fort Magsaysay

Welcome kay Buhay Rep. Lito Atienza ang plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na gamitin ang mga military camps bilang drug rehab centers.

Praktikal na estratehiya para kay Atienza ang pagtatayo ng karagdagang mga drug rehabilitation centers (DRCs) sa loob ng military camps.

“We really have to cure loads of users if we are to lessen in a big way the demand side of the drug problem. There will always be suppliers — traffickers and pushers — as long as we have users generating the demand. And the capacity of existing DRCs, both public and private, is grossly inadequate,” ani Rep. Atienza na dating three-term mayor din ng Manila.

Sinabi pa ng mambabatas na ang paggamit ng mili­tary camp ay makatwiran dahil ang drug treatment ay dapat confined at ang ating mga camp sites ay marami pang mga nakatiwangwang na mga lupa.

Sa kauna-unahang SONA ni Duterte ay sinabi nito na simula nang maluklok sa puwesto noong Hulyo 1 ay mahigit sa 120,000 mga drug users, 70,000 sa mga ito ay pushers din ay boluntaryong sumuko sa mga awtoridad.

“Sudden withdrawal from drug use may cause serious behavioral problems among addicts and endanger families and communities. We cannot just tell these surrenderees to perform a dance workout and then send them home after getting their personal details. These users have to be treated. Otherwise, they will just end up using drugs again,” ayon pa kay Atienza. ­