Dahil sa patuloy na banta ng terorismo, nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga residente sa Marawi na suportahan ang deployment ng mga kasundaluhan sa nasabing lugar.

Hinirit ito ng Pangulo sa pakikipagpulong nito sa mga legislator, opisyal ng natio­nal government agency sa Marawi rehabilitation at local government official.

Nilinaw din ng Pa­ngulo na ang presensya ng itatalagang military personnel sa nasabing lalawigan ay hindi para makipagbakbakan sa mga Maranao kundi para umagapay sa posib­leng pag-atake ng mga extremist at komunistang rebelde.

“I’m not after the Maranao, ang akin d’yan is the military should be there to avoid a repeat of… ‘yang military hindi ‘yang Maranao ang hinahanap n’yan, the terrorists that terrorize eve­rybody. Now, if you are bothered by my explanation to you, just look at what happened to the Middle East,” paniguro ng Pangulo.

“It’s the age of terro­rism so we will just have to do something about it. Come up with something that can mitigate. Anyway, pagka-peaceful na, then it’s about time na the military will go out. My decision to build a military camp there will remain,” dagdag pa nito. (Prince Golez)