Binatikos ni Senator Leila de Lima ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos na isailalim ang Bureau of Customs (BOC) sa military control.
Aniya, hindi katanggap-tanggap ang tila paglalaro ng Pangulo sa kapangyarihan nitong manuno sa bansa.
“Deploying the military to every conceivable crisis in the civilian bureaucracy is governance by gimmickry,” sabi ni De Lima
“It tells a lot about Duterte’s severely limited imagination in solving the country’s problems,” dagdag nito.
Idiniin rin ni De Lima na isang banta ang paglalagay sa BOC sa kontrol ng sundalo upang maipagpatuloy aniya ng Pangulo ang ninanais nitong military junta.
“The decision of President Duterte for the AFP to take over the Bureau of Customs sets a dangerous precedent,” sabi nito.
“It normalizes the unconstitutional act of granting the military civilian functions and power over civilian offices,” ani De Lima.