Military convoy sa Lanao binomba

Limang katao ang sugatan matapos na sumabog ang isang bomba sa gilid ng kalsada habang dumaraan ang convoy ng militar sa Marawi City sa magulong lalawigan ng Lanao del Sur.

Nabatid na apat na sibilyan, kabilang ang da­lawang bata at isang sundalo ang sugatan sa natu­rang pag-atake na naganap kamakalawa ng hapon.

Hinihinalang mga supporter o jihadist group ni Abdullah Maute ang nasa likod ng atake.

Patungo ang convoy na may lulang mga scout ranger sa kampo ng 103rd Infantry Brigade nang ito ay pasabugan.