Bawal nang mag-appoint ang Pangulo ng bansa ng mga retired military at police officials sa gobyerno partikular sa gabinete sa sandaling maipasa ang panukalang inihain ng mga militanteng solon sa Kamara.
Sa House Bill 5712 na inakda nina Gabriela party-list Reps. Emmi de Jesus at Arlene Brosas, nais ng mga ito na tuluyang ipagbawal ang appointment ng mga retired military at police officials sa mga susunod na gobyerno.
Gayunpaman, kailangan munang maipasa ang nasabing panukala na inihain ng dalawang nabanggit na mambabatas kahapon sa Kamara.
Ang aksyon nina De Jesus at Brosas ay kasunod ng napakaraming retired generals sa cabinet ni Pangulong Rodrigo Duterte gayung ang tungkuling ito ay dapat umanong ibigay sa mga sibilyan.
“This should be stopped and civilian rule must be upheld, especially amid the declaration of martial rule in Mindanao,” ayon kay De Jesus.