ferdinand-marcos-protest
Magdamag na protesta — Nagprotesta ang mga kabataan na ito nang buong magdamag kamakalawa, sa Kalayaan Monument sa EDSA matapos mailibing si dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani. (PAdalin)

Sumiklab na ang ‘millenial power’ dahil sa poot na nararamdaman ng mga kabataan matapos ang palihim na paglibing kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani (LNMB) sa Taguig City noong Biyernes.

Libu-libong kabataan mula sa malalaking unibersidad ang nag-walkout sa klase matapos ang biglaang anunsyo sa libing ni Marcos sa LNMB.

Sa pangunguna ng ‘Katipunan Bloc’ o ang pagsasanib-pwersa ng kabataang estudyante mula sa University of the Phi­lippines (UP-Diliman), Miriam College (MC) at Ateneo de Manila University (ADMU), nagmartsa ang humigit-kumulang 3,000 kabataan sa Katipunan Ave. para ipakita ang mulat na paninindigan ng mga kabataang estudyante sa pagturing ng gobyerno kay Marcos bilang bayani.

May mga kabataan din ang magdamag na nagprotesta sa Edsa Shrine at nagkaroon ng serye ng Black Friday protest ang mga estudyante ng UP-Manila, Saint Benilde, De La Salle University (DLSU), St. Scholastica’s College Manila sa Leon Guinto, Estrada, at Taft Avenue sa Lungsod ng Maynila.

Ayon kay Bonifacio Ilagan, convenor ng CARMMA at taga­pagsalita ng Samahan ng Ex-Detainees Laban sa Detensyon at Aresto (SELDA), ganitong senaryo rin ang nakikita nilang pagtitipon ng mga kabataan sa mas malaking pagkilos ng anti-Marcos groups sa Nobyembre 25.

“Unti-unti nang nagigising ang diwa ng mga kabataang estudyante. Ang mga millennial na ito ang magpapatikim ng galit at poot ng samba­yanang Filipino dahil sa pagtalikod ng gobyernong ito sa aral ng kasaysayan at tila pagbalewala sa poot ng mga biktima ng Martial Law ni Marcos,” giit ni Ilagan.

Ang millennial power ay pangungunahan ng mga estudyante ng mga kilalang unibersidad tulad ng UP, Ateneo, Miriam College, DLSU, College of St. Benilde, UP Manila at mga unibersidad sa ‘University Belt’ gaya ng Far Eastern University, University of the East, Polytechnic University of the Philippines (PUP) at iba pa.

23 Responses

  1. millennial power?..or pinilit lang silang mag rally ng kanilang unibersidad lalo na mga catholic schools na pati musmos na elementary students eh sinisira ang kaisipan at tinuturuang magtanim ng puot sa puso ng mga madre at padreng katokliko??..puwah!!..eh un ngang mga matatandang naabutan ang termino ni Apo Lakay eh tuwang tuwa sa pagkakalibing kay Marcos sa LNMB etong mga kabataang naturuan ng mali sa kanilang paaralan, sila pa tong kung maka-rally eh andun sila mismo nung panahon ni Marcos?..halatang mga bayaran tong mga istudyanteng ito..magkano kaya?..or for the sake of Grades baka takot ibagsak ni Sister or ni Mother Superior??

    1. i have to believe that you were not born yesterday, because if you were, you know what happened to the victims of martial law and the lavish lifestyles of the marcoses…

      1. MAWALANG GALANG NA PO GINOONG MIGUEL ARCANGEL, MAARI NYO PO BANG BIGYAN NYO KAMI NG REFERENCE O BATANYAN NA NAKAPAGPAPATUNAY NA SI MARCOS AY LUMABAG SA KARAPATANG PANTAO?…MERON HO BA KAYONG MAIPEPRISINTA SA AMIN NA MISMONG KORTE ANG NAGSABI NA SI MARCOS AY GINAWA ANG LAHAT NG IBINIBINTANG NINYO LABAN SA KANYA?KUNG MERON PO AY MAARI NYO HO BANG MAIPAKITA AT NG KAMI NAMN AY MALIWANAGAN…

        KUNG MERON MAN NAWA SANA AY TOTOO AT HINDI TSISMIS LAANG…

      2. NAPAKA SIMPLE LANG NAMAN EH, MAGPAKITA SILA NG PRUWEBA NA NAKAKAPAGPATUNAY NA GINAWA LAHAT NI MARCOS ANG LAHAT NG IBINIBINTANG NILA E D TAPOS ANG USAPAN…BAKA IPAHUKAY KO PA SA ASO KO UN KUNG MAY MAIPAPAKITA SYANG MATIBAY AT LEGIT NA KATIBAYAN…NI HINDI NGA NILA NAPATUNAYAN SA HUSGADO, DINALA PA NILA ANG KASO ABROAD PERO NGA NGA DIN SILA…KASI NGA PANAY AKUSASYON LANG…WHAHAHAHA

      3. KOREK..YANG MGA TAONG NAG NAGHIHIMUTOK SA GALIT KAY LATE STRONG MAN EH YAN UNG MGA AKTIBISTA, AGAINST SA ADMINISTRASYON AT PAMAMALAKAD NI MARCOS NOON. MGA SEPARATIST OR LEFTIST YANG MGA YAN OR BAKA MIYEMBRO NG COMMUNIST NA GUSTONG MANGULO SA BAYAN NOON.. KUNG TUTUUSIN IILAN LANG YANG MGA SUMISIGAW NG KATARUNGAN AT HUSTISYA PERO DAHIL SA BINAYARAN NA UNG IBA AT NA-BRAINWASH NA RIN NG MGA ALIPORES NI MADAM CORYMAW NOON, AYAN AT DUMAMI ANG MGA NAKISAWSAW AT UNG IBA NABAYARAN NA RIN NG PERANG GALING SA KABAN NG BAYAN..

      4. SIR TAMA PO KAYO JAN!…NGUNIT OBSERBAHAN PO NILA NA ANG MGA SIMPLENG MAMAMAYAN NA TANGING HANGAD LANG AY KATAHIMIKAN AY WALANG MASABING MASAMA KAY MARCOS DAHIL ALAM NILA AT NAIINTINDIHAN NILA NA ANG MGA GINAWA NI MARCOS AY PARA PROTEKTAHAN ANG MGA NAKARARAMI LABAN SA MGA NANGGUGULO NG BANSA.

      5. AKO DI PA AKO PINAPANGANAK NOONG PANAHON NI APO LAKAY PERO DAHIL NA RIN SA MGA KWENTO NG MGA MAGULANG KO, KAMAG ANAKAN NAMING “LAW ABIDING CITIZENS” AT ME TAHIMIK NA PAMUMUHAY NOON AT DI NAKIKISALI SA MGA BASURANG AKTIBISTA, ETC., EH DUN KO N LNG NAPATUNAYAN NA MABUTI PALA AT MASAGANA ANG BUHAY NOON. PATI NA RIN MGA PROYEKTO NYA NOON KAYA DUN AKO BUMILIB SA KANYA..SUMUNOD KA LANG SA BATAS, MAMUMUHAY KA NG MAAYOS NOON AT DI KA PA MAGUGUTOM.. ITO LANG MGA ME SAYAD NA PAMILYANG OLIGARKE AT CBCP ANG LUMALASON SA KAISIPAN NG MGA TAO EH..

      6. SILA PO ANG SAKIT NG ATING BANSA…ANG MGA AQUINO,COJUANGCO, REBELDE AT MGA KORAP NA OBISPO…MASAKIT SAKING SABIHIN ANG KORAP NA OBISPO DAHIL AKOY KATOLIKO NGUNIT SA AKING PAGMAMATYAG AY HINDI MO MAITATANGGI NA ITO ANG KATOTOHANAN.