Millennials ilalapit kay Pangulong Duterte

For the record by Jeany Lacorte

Mukhang yakang-­yaka ni incoming Presidential Spokesman ­Harry Roque ang mga ibabatong batikos sa kanya ng mga kritiko.

Hindi pa ito opisyal na nasa puwesto noong isang linggo ay palaban na ang opisyal at nagbantang mambabato raw ng adobe at hollow blocks sa mga walang magawa kundi manira.

Ibang klase ano po? Mukhang walang aatrasan ang tumatayong opisyal na tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte at lahat ay kakasahan niya huwag lamang mabatikos.

Sabagay, kani-kaniyang diskarte ang mga opisyal ng gobyerno. Mayroong bait-baitan pero huwag ka, saksakan naman ng sama ng ugali.

Mabuti na rin ang nagiging prangka at walang itinatago. Pero huwag lang masyadong siga, dahil ang ­Pangulo bagama’t prangka at diretso ay hindi naman nagbibitaw ng mga sali­tang may kinalaman sa pananakit, maliban lamang sa masasakit na salita laban sa mga tao o grupong karapat-dapat namang tumanggap nito.

***

Upang lalo pang maging epektibo ay isa sa pinaplanong ilapit ni Sec. Roque kay Pangulong Duterte ay ang mga millenials gamit ang social media. Ipararating daw ni Roque sa Pangulo ang mensahe ng mga kabataan dahil sila ang makikinabang sa kung ano ang magagawa ng kasalukuyang administrasyon para sa bansa.

Kinikilala ng kalihim ang mga millenials na may malaking populasyon kaya’t hindi maa­aring balewalain ang mga ito na bahagi ng lipunan.

Goodluck kay Sec. Roque at nawa’y magtagumpay ka sa maganda mong layunin para sa bayan.