KUALA LUMPUR – Pagkatapos ng Day 7 ng 29th Southeast Asian Games kagabi, milya-milya pa ang layo ng Team Pilipinas sa unang ipinagsigawang target na gold medals.
Hanggang 6 p.m. kagabi, 15 gold medals pa lang ang nasa basket ng Pilipinas, sixth overall sa ibaba ng Indonesia (19).
Nagkasya lang sa bronze ang PHL athletics quartet ina Eric Shauwn Cray, Trenten Beram, Anfernee Lopena at Archand Bagsit. Kumain ng alikabok ang Filipinos sa likod ng Thais na nagtakbo ng gold medal sa bagong SEAG record na 38.90 seconds sa men’s 4×100-meter run.
Anchor man ng Filipinos si Beram, si Lopena ang opening runner kasunod si Bagsit. Pumangatlo lang ang 39.11 seconds (bagong PHL record, binura ang dating 39.95) sa likod ng 39.05 ng Indonesia. Mula sa likod ay humarurot ang last Indonesian runner sa last five meters para sikwatin ang silver.
Kumain din ng alikabok ang women’s squad nina Zion Rose Nelson, Eloisa Luzon at twins Kayla at Kyla Richardson sa 4×100-m relay. Bronze lang ang Pilipinas (44.81) sa likod ng Vietnam (43.88) at Thailand (44.2).
Galing kay Melvin Calano ang pangatlong bronze ng Team PHL kahapon sa men’s javelin throw sa distansiyang 65.94 meters.
“My form was off and my legs were heavy,” ani Beram, tumakbo muli wala pang 18 oras pagkatapos idagdag ang men’s 400m title sa una niyang 200m crown.
Si Cray ay iniinda ang kaliwang paa na napilipit tapos kumarera sa 400 hurdles at 100-m dash.
Bronze si Asian long jump queen Marestella Torres-Sumang na 6.45m lang ang kinaya sa women’s long jump.
Third-placers sina Katharina Lehnert at Denise Dy sa women’s doubles ng lawn tennis.