Milyones malulugi sa PBA dahil sa coronavirus

Inaasahan na ng PBA na milyones ang mawawala sa kanila sa bawat kanselasyon ng laro dahil sa coronavirus.

Ngunit bilang ­proteksyon sa mga koponan, staff at fan, maliit na halaga lang umano ito, ayon kay PBA commissioner ­Willie Marcial.

“Milyon ang talo du’n kada araw,” saad ni Marcial.

“Hindi na namin ­tinitingnan kung ano impact, kung schedule o pera. Ang iniintindi muna natin ‘yung kalagayan nating lahat. Hindi na natin tinitingnan kung ano mawawala sa amin. Ang mahalaga ‘yung safety ng lahat, sa inyo, ako, at ng mga fans natin.”

Ilan sa panggagali­ngan ng lugi sa PBA ay ang pagre-reserve ng mga venue, tulad ng Smart Araneta Coliseum, Mall of Asia Arena at Cuneta Astrodome sa Pasay.

Sunod ay ang mga mawawalang gate receipt, ngunit ang pinakamalaki umano ay ang advertising at sponsorship contract na mako-compromise sa pagsuspende ng mga laro. (RP)