Milyon bubuyog sa Estados Unidos ang namatay matapos na mag-spray ang mga awtoridad para makontrol ang paglaganap ng Zika mosquitoes sa South Carolina.

Sinabi ni Beekeeper Juanita na nasira ang negosyo ng kanilang pamilya dahil sa ginawang pesticides aeria­l spray ng mga awtoridad.

Nabatid na namatay ang lahat ng alaga nilang bubuyog sa isinagawang pag-spray.

Agosto 28 nang iutos sa Dorchester County, ang aerial spraying sa bayan ng Summerville, matapos makumpirma ang pagkakaroon ng apat na kaso ng Zika virus.

Ang kontrobersiyal pesticide Naled ay ginamit sa US mula pa noong 1959 para pangkontrol sa mga lamok sa kabila na ito ay mapanganib sa tao at kapaligiran.