Min Hyuk, Jung Shin papasok sa military

min-hyuk-jung-shin

Posibleng hindi muna makita ng mga fan ang South Korean boy band na CNBLUE.

Katulad ng grupong BIGBANG na isang miyembro lang nito ang hindi pa nag-e-enlist, ang mga CNBLUE member ay halos sabay-sabay rin na papasok sa military service.

Kasalukuyan na ngang naka-enlist ang isa sa miyembro ng grupo, ang leader at vocalist ng CNBLUE na si Jung Yong-hwa. Nag-enlist ito noong March 2018.

Ang susunod na papasok sa military ay ang isa sa pinakasikat sa grupo na si Kang Min Hyuk. Gayundin ang isa pang miyembro na si Lee Jung Shin. Parehong sa July 31 ang balitang pagpasok nila.

Kaya ang maiiwan na lang sa apat na miyembro ng CNBLUE ay si Lee Jong Hyun.

Kinumpirma ng kanilang agency, ang FNC Entertainment ang sabay na pagpasok sa military nina Min Hyuk at Jung Shin.

“Lee Jung Shin and Kang Min Hyuk are both enlisting on [July] 31. Of course, their enlistment locations are different. They will both enter quietly without official events.”

Ang release date nila ay sa April/May 2020.

Tila nag-lie-low rin muna si Min Hyuk sa pagtanggap ng anumang work ilang buwan bago ang enlistment niya. Ang grupo nila ay huling nag-release ng album noong March 2017. Habang si Min Hyuk naman, ang huling K-drama na ginawa niya ang una niyang lead role na Hospital Ship kunsaan, nakatambal niya ang South Korean actress na si Ha Ji Won.

Ang pelikulang ‘The Princess and the Matchmaker’ (Goonghap) ay ginawa niya noong 2015 pa pero ipinalabas lang noong March 2018.

Si Min Hyuk ay nabalitang magkakaroon ng fan meeting sa Manila noong April 2018, pero nakansela ito.

Sigurado, marami sa mga fan ng actor/drummer/singer-songwriter ang makaka-miss dito, gayundin sa kanilang grupo na dalawang taong mawawala.