Mga laro ngayon (FilOil Flying V Centre)
4:00 p.m. — SSC-R vs. FEU
6:30 p.m. – -TIP vs. SBC

Walang kahirap-hirap na dinagit ng Ateneo Lady Eagles ang JRU 25-17, 25-15, 25-15 kagabi sa simula ng inaugural Premier Volleyball League Collegiate Conference sa FilOil Flying V Center sa San Juan.

Tumikada si skipper Bea De Leon ng 14 points kasama ang 11 kills para sa Lady Eagles habang may inambag si Kat Tolentino na 11 markers.

Ipinakita ng Ateneo na matalim pa ang mga kuko kahit pinakawalan nila sina star setter at hitter Jia Morado ang Michelle Morente.

Tumipa rin ng tig-10 points sina Jules Samonte at Maddie Madayag para sa Lady Eagles.

“It’s a good start obviously for us and I hope it continues naman,” saad ni de Leon. “Every year it’s a new team, we have to start all over again. We’re a rebuilding team, we take it one step at a time,”

Dominado ng Katipunan-based squad ang laban, bumira ng 45 attacks points laban sa 22 ng JRU.

May seven blocks ang Lady Eagles, wala sa Lady Bombers.

Si Deanna Wong ang umako sa tungkuling iniwan ni Morado, nirehistro ang 32 excellent sets para sa Ateneo.

May kinanang tig-nine points sina Shola Alvarez at Karen Montojo para sa JRU.

Sa unang laro, sa three sets lang din dinispatsa ng Arellano ang St. Benilde 25-20, 25-22, 25-17 sa bakbakan ng reigning at former NCAA champions.

May 14 hits si Jovielyn Prado para sa Lady Chiefs, umayuda ng 13 si Mary Anne Esguerra.

Namigay ng 34 excellent sets si playmaker Rhea Ramirez na pinuhunan ng Arellano sa 47 attack points.