Limang minero ang sugatan habang dalawa pa ang patuloy na hinahanap matapos matabunan ng gumuhong lupa sa isang gold panning site sa Aroroy, Masbate kahapon.
Base sa inisyal na report na ipinarating sa Camp Crame, nasa loob ng isang minahan sa Sitio Bagong Sirang, Barangay Panique, Aroroy, Masbate ang pitong minero nang biglang gumuho ang lupa at natabunan sila.
Kinilala ang pitong natabunan na sina Marison Manlapas, 30; John Philip Grego, 28; Aljun Balbuen, 19; Garry Aninang, 30; Kevin Balbuena, 24; Marlon Manlapas, 28; at Emart Manlapas.
Hindi pa naman matukoy ng pulisya ang mga pagkakilanlan ng limang nauna nang nailigtas sa pitong pangalan na hawak ng pulisya.
Napag-alaman na pagmamay-ari ng isang Nelson Galaprin ang nasabing minahan.