Nagpalabas ng iisang posisyon ang mga obispo sa Mindanao patungkol sa deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Martial Law sa Mindanao.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, iginiit ng mga obispo ng Mindanao na hindi nila nire-reject ang Martial Law.

Sa pamamagitan ni Cardinal Quevedo, Archbishop ng Cotabato, ay nagpalabas ng statement ang mga obispo sa Mindanao at iginigiit na wala silang pagtutol sa Martial Law.

“They balance this oblique position by ­encouraging their faithful to be obedient to the just commands of lawful authority, and not to provoke violent reaction,” ayon pa kay Abella.

Sinabi pa ni Abella na nanawagan ang obispo sa gobyerno na walisin ang ugat ng terorismo katulad ng kahirapan, kawalan ng hustisya at pagtutok sa kapakanan ng taumbayan.

Ikinatuwa naman ng gobyerno ang suportang tinatanggap sa iba’t ibang sektor patungkol sa ­naging deklarasyon ng Martial Law.

“We also call on Muslim leaders to speak out against terrorist groups, who use religion to disguise their barbarity,­ staining the peaceful name of Islam with the blood of innocents during this holy month of Ramadan,” apela pa ng Palasyo.

One Response

  1. KAYO DYAN ANG NAKAKAALAM KUNG DAPAT TALAGA ANG MARTIAL LAW ILATAG SA MINDANAO……KAYA WAG KAYONG PAPA APEKTO SA MGA KULTONG IMPAKTO NA KONTRA NG KONTRA KAHIT WALANG ALAM SA NANGYAYARI SA MINDANAO…….HAHAHAHHA