Mindanao bubusugin ng DA

Maglalaan ang Department of Agriculture (DA) ng P300 mil­yon sa Maguindanao para palakasin ang sektor ng agrikultura nito.

Sa kanyang pagbisi­ta sa Buluan, Maguindanao sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na batid niya ang mataas na insidente ng pagkagutom sa lalawigan kaya naman prayoridad niyang agarang masolusyunan ito sa pamamagitan ng paglalaan ng malaking pondo sa agrikultura.

“Alam mo kasi ang priority ko itong Maguindanao, pati Sultan Kudarat, you know why? Sa statistics you have the highest incidence of hunger, ang mga tao nakakaawa e. Maybe you would be short of everything but not food, mahirap ‘yan gutom ang tao,” pahaya­g ni Pa­ngulong Duterte kung saan ang Maguindanao umano ay isa sa 10 lalawigan sa bansa na may 54.5% na poverty incidence.

Pinatututukan din ni Pangulong Duterte sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang Maguindanao para agad na matugunan ang problema ng kahirapan, idinagdag pa ni Pangulong Duterte na bubuhayin ng admi­nistrayon ang sektor ng manufacturing at agricultural products at tiwala ito na agad uunlad ang lalawigan bago siya bumaba sa pwesto.