Namayagpag ang Barangay Buhangin sa boys’ 3-on-3 basketball samantalang  ang Barangay 76-A Bucana sa girls volleyball sa pagwawakas ng Philippine Sports Commission 1st Mindanao Children’s Games 2017 sa Davao City.

Sa Almendras Gymnasium, dinismantel ng Brgy. Buhangin ang Brgy. Hizon sa final 18-5,sa samantalang sa Davao City Police Open Field  wagi ang Brgy. 76-A Bucana sa Brgy. Tumugan. Ang mga Brgys., Bantol, Baguio Proper, at Indangan ang mga pumrimera sa Larong Pinoy events.

Giniit ni PSC chairman William Ramirez ang kahalagahan ng MCG na bahagi ng Sports for Peace Program ng government sports agency  para sa pagkakaroon ng isang mapayapang  Mindanao at sa iba pang kapuluan sa bansa.

Natuloy ang tatlong araw na okasyon na sini­mulan noong Huwebes para sa mga out-of-school youth edad 12 pababa.

“There may be war in other countries and disorder in our own backyard, but through this we showed everyone that peace still reigns in Davao, in Mindanao,” pahayag ni Ramirez sa closing ceremonies sa Almendras.

Kabilang sa mga nagkasama-sama pa sa iisang bubong ng nabanggit na playing venue ang mga Catholic, Muslim, at Lumad kids.

Hinirit ni Ramirez na maaaring magkaroon din ng Children’s Games sa Cagayan de Oro, Butuan, Bacolod, Cebu, Tacloban, Catbalogan, at sa Cordilleras.