Nagtalaga ang Presidential Communications Operations Office (PCOO) ng isang civilian Maranao spokesperson upang magbigay ng update sa isinasagawang opensiba ng militar sa Maute terror group sa Marawi City.
Ang hakbang ng PCOO ay bahagi ng ‘Mindanao Hour’ Communications Center sa Davao City na siyang pangunahing pagkukunan ng accurate at mapagkakatiwalaang impormasyon hinggil sa deklarasyon ng Martial Law sa Mindanao.
“In this time of crisis, it is strategically wise for us to expand our communications language from national to regional in order to avoid marginalizing those who are most affected by the declaration of Martial Law,” ani PCOO Secretary Martin Andanar.
Samantala, lalarga rin ang ‘Mindanao Hour’ sa Malacañang simula ngayong Lunes upang magbigay ng updates sa mga kaganapan sa Marawi City.
“There will be a ‘Mindanao Hour’ every M-W-F starting tomorrow, May 29, 11 a.m. at the New Executive Building (NEB) to give updates on what is happening on the ground in Marawi and elsewhere in Mindanao,” ayon kay presidential spokesperson Ernesto Abella.
Magkakaroon din, aniya, ng karagdagang update sa regular na press briefing ni Abella tuwing Martes at Huwebes sa Palasyo habang sa araw ng Sabado at Linggo ay sina AFP spokesperson BGen. Restituto Padilla at Abella ang magbibigay ng updates sa Radyo ng Bayan tuwing alas-11:00 ng umaga.