Umabot na mahi­git 400 aftershock ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) mula sa su­nod-sunod na lindol na tumama sa central Minda­nao partikular sa bahagi ng North Cotabato.

Sa kasaluyan, nasa 16 na ang patay habang ma­rami pa ang pinaghaha­nap matapos ang halos tatlong linggong paggalaw ng lupa.

Mahigit sa 400 ang sugatan dahil sa mga gumuhong gusali kasama ang pitong estud­yante at guro na magkakasamang tumakbo nang gumuho ang kanilang school buldin­g.

Ibinabala ng Phivolc­s na maaaring magkaroon pa mga malalakas na pagya­nig at maaring maramdaman ito hanggang Pasko.

Magugunitang unang tinamaan ng magnitude 6.3 tremor ang Cotabato noong Octubre 16 at naulit noong Oktubre 29 na may lakas na magnitude 6.6 at noong Oktubre 31 na 6.5 magnitude.

Ibinabala ni Phivolcs director Renato Solidum Jr. na maaring tuluyang mawasak ang mga nasirang gusali sa paulit-u­lit na paglindol.

“Typically, after strong earthquakes, aftershocks occur for several days to weeks, but the number will decline,” sabi ni Solidum
Marami sa mga nararanasang aftershock ay may magnitude na mula 1.5 hanggang 6.1.