Mindanao State University hinigpitan ang seguridad

Mas lalo pang hinigpitan ng militar ang seguridad sa Mindanao State University sa loob ng Marawi City.

Ito ay kasunod nang pagkamatay ng isang empleado ng Civil Service Commission (CSC) at ikinasugat ng isang babae na tinamaan ng ligaw na bala kamakalawa sa Brgy. Cadayunon, Marawi City.

Si Marvin Ablando, Asst. Director ng CSC ng ARMM ay namatay matapos tamaan ng ligaw na bala sa ulo at sugatan naman si Zandra Arnica Uzman, director ng CSC ARMM matapos madaplisan ng bala sa ulo.

Ang dalawa ay papalabas na ng MSU nang matamaan ng stray bullet sakay ng Toyota Innova bandang alas-9:35 ng umaga.