Mindanao walang brownout sa kabila ng lindol

Normal pa ang kuryente sa Mindanao sa kabila ng 5.4 magnitude na lindol na tumama dito kahapon ng alas-2:58 nang mada­ling-araw sa layong dalawang kilometro timog silangan ng Gov. Generoso, Davao Oriental, ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NCGP) kahapon.

“The Mindanao Grid remains intact as there are no reports of power interruption and da­maged transmission facilities in Davao Oriental and nearby areas where the earthquake was felt,” sabi ng NGCP.

Matatandaang tinamaan ng malakas lindol ang Minda­nao noong Oktubre 31, 2019 na may 6.5 magnitude bukod pa sa da­lawang malalakas pang lindol na umuga sa rehiyon noong Disyembre 2019 kung saan isang buong residential condominium ng mga Consunji ang bumagsak. (Eileen Mencias)