Naglabas na ng official statement ang Pledis Entertainment tungkol kay Minhyun. Siya ay miyembro ng South Korean boy group na NU’EST na negatibo sa ginawang test para sa novel coronavirus (COVID-19).
Isa kasi si Minhyun sa pinagsuspetsahan dahil nanggaling ito sa nakaraang Milan Fashion Week.
Ayon sa Pledis Entertainment,“The rumor that Minhyun is infected with COVID-19 is not true at all. All staff including Minhyun tested negative for COVID-19.Though no one was infected,the staff, including Minhyun, have not scheduled any events since Milan Fashion Week.”
Ang naturang fashion week kasi ang isa sa top 3 fashion show sa buong mundo . Marami ring Korean star ang nag-attend dito. Kabilang na nga ang singer na si Chungha (negative sa COVID-19 test), pero, nag-positive ang dalawang staff na kasama niya.
Bukod kina Minhyun at Chungha, nag-attend din ng fashion show sina Song Hye Kyo, IU, Han Ye Seul at Park Min Young.
*******
Magandang balita naman dahil ang staff ng tvN’s k-drama na “Hi Bye, Mama” na diumano’y nagpapakita ng symptoms ng virus ay negative sa covid-19.
Bagama’t, nag-stop filming muna ang drama ni Kim Tae Hee,
magre-resume na rin ito.