Minimum wage sa mga nurse sinulong sa Senado

Nagpahayag ng suporta si Senador Ri­chard Gordon sa desis­yon ng Supreme Court pabor sa pagkakaloob ng minimum wage para sa mga nurse sa bansa.

Idiniin ni Gordon na ang mga Pinoy nurse sa gobyerno at maging sa mga pribadong hospital o health institution ay dapat may sahod na katumbas ng kanilang serbisyo sa publiko at mahabang oras na duty sa trabaho.

Sa kasaluku­yan, nasa P8,000 hanggang P13,500 lamang ang natatanggap na sahod ng mga entry-level nurse.

Bilang pagsuporta ni Gordon sa sektor ng nurse, naghain ito ng panukala na siyang mag-aamyenda sa Republic Act No. 9173 o The Philippine Nursing Act of 2002, nito lamang buwan ng Hulyo.

Naniniwala si Gordon na mareresolba rin sa ilalim ng panukala ang education-career mismatch at kakulangan ng mga nurse sa bansa. (Lorraine Gamo)