Sir/Madame,

Respectfully forwarding request for assistance and repatriation from OFW Ms. Sulit. Find additional information below sent by the OFW.

We will highly appreciate your prompt action.
Sincerely,

(Sgd) John Leonard Monterona

U-OFW

***

Tatlong buwan pa lang ako sa amo ko. Lagi akong minamanmanan ng amo kong lalaki. ‘Pag naglilinis ako gusto nga akong halayin pero lagi akong umiiwas sabi ko uuwi na ako ng Pilipinas.

Humingi siya ng paumanhin, tinanggap ko naman. Sumunod na linggo naulit hinalikan niya ako, gusto na niya akong pagsamantalahan.

Sabi ‘wag daw ako magsusumbong sa pulis. Agosto inulit niya sa kuwarto ng mga pambisita, pinuntahan niya ako. Hinipuan at sabi ko ayaw ko pero lagi niya akong tinatakot at pulis daw siya.

Gumawa ako ng paraan para magalit siya sinabi ko sa kanya ang kaibigan ko sa FB na Pakistani para pauwiin ako.

Pero hindi po ‘yun ang nangyari. Inalisan ako ng wi-fi gusto pang kunin ang cellphone ko, gusto kunin kahit naitabi kong pera. Ipakukulong daw niya ako.

Pinagbabayad pa ako ng 20,000 Riyal. Makakauwi lang daw ako kung mababayaran ko ‘yun. Hindi ako lumaban sa kanya nagpanggap akong wala lang.

Pero nu’ng isang araw nang tanungin ako ng amo kong babae kung bakit daw may problema daw ba ako sa amo kong lalaki.

Hanggang sa sinabi ko sa kanya ang ginawa sa akin at sinampal ako ng amo kong lalaki.

Gusto nila kunin CP ko hindi ko binigay at kinuha nila ang original copy ng kontrata ko.

Melissa Sulit

***

Si Melissa ay naunang dumulog sa U-OFW na kagyat namang inaksyunan ng grupo sa ­pangunguna ng convener ng U-OFW na si G. John Leonard Monterona at kinalampag ang POLO-OWWA RIYADH, OWWA RAD, POEA REPATRIATION UNIT, OFFICE OF THE POEA ADMINISTRATOR at DAMDAM MANPOWER SERVICES ang ahensyang nagpadala kay Melissa sa Saudi Arabia.

Sa pamamagitan ng Bayani Ka ay nais nating i-follow-up ang hinaing ni Melissa sa nabanggit na mga ahensya ng gobyerno dahil labis na ang panga­ngamba ni Melissa sa kanyang kalagayan sa poder ng kanyang among si Maeed Ali Saad Alqarany.