Minorya sa Kamara okey sa Digong war

Nakakuha ng kakampi­ sa Minority bloc ng Kongreso at binigyan pa ng “very good” na grado ang kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa illegal drugs, gayunpaman pinaalalahana­n nitong tiyaking huwag itong maabuso upang hindi­ magaya sa pagbagsak ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Ayon kay Senior De­puty Minority Leader at Buhay Party-list Rep. Lito Atienza, dapat pang magpasalamat na mayroong Pangulo na desidido sa pagresolba sa problema.

Gayunpaman, sinabihan ni Atienza si Pangulong Duterte na bantayan nitong mabuti ang patakarang kanyang ipinatutupad lalo at bukas ito sa pang-aabuso. Inihalimba­wa pa nito si Marcos na maganda ang intensyon sa pagdedeklara ng Martial Law ngunit naabuso kaya naman lahat ng masasamang pangyayari ay isinisi na rito.

Sinabi naman ni Minority Leader Danilo Sua­rez na dapat hintayin ng publiko ang ikalawang­ listahan na ipinangako ni Pangulong Duterte na nag­lalaman ng iba pang narco politicos, judges at iba pang LGUs dahil mas totoo umano ito kumpar­a sa naunang listahan na kanyang ibinunyag na “sanitized” na umano.

“‘Yung unang listahan­ hawak ng PDEA noong nakalipas pang administrasyon kaya tinanggal na ‘yung mga gustong protektahan. ‘Yung susunod na list ay ito na ang aabangan natin, ito na ang kumpleto at totoo,” pagtatapos pa ni Suarez.