Minzy naapektuhan ang mental health

tonite-annyeong-rose-garcia

Binalikan ni Minzy, isa sa mga orihinal na miyembro ng disbanded South Korean girl group na 2NE1 ang panahon na bahagi pa siya ng grupo at ang mga struggle na pinagdaanan niya. Kabilang na rin ang pagkakaroon daw niya ng mental health issue during that time.

Ang 2NE1 ang grupong kinabibilangan din ni Sandara Park under YG Entertainment.

Sa interview ni Minzy kay Jeff Benjamin sa Billboard, pinag-usapan nga nila ang tungkol dito at ang pagiging solo artist na niya. Dito kinuwento rin ni Minzy kung paano siya na-recruit ng YG nang makita ang video niya na nagsasayaw at maging viral. Na originally, as a solo artist sana siya pero nagdesisyon ang agency na isama na siya sa grupo.

Fifteen pa lamang si Minzy nang mag-debut at dito pa lang, posibleng nag-ugat na ang ilan sa mga naging problema o isyu niya.

Ayon kay Minzy, “I didn’t know how to have relationships with people. Since I was so young in such a controlled environment, I never learned how to socialize. I really didn’t have a normal childhood—I never went out to play with other­ kids. I was just training and everyone was older than me.”

Naapektuhan din daw siya dahil ilan sa mga Korean netizen ay nagsasabi na hindi naman sila magaganda kumpara sa ibang girl groups.

“I was trying to keep up with the other girls in the group in terms of maturity, but when you’re up against these girl groups who look like models and you’re doing something different — cool, but different — you deal in a different way.”

Si Minzy ang pinakabata among Sandara, CL at Park Bom.

After her debut, kahit na masasabing isa sa successful group ang 2NE1, lowest points daw para sa kanya ‘yung 16-17 siya. Pressure ng pagiging celebrity ang naging dahilan ng depression niya at maging suicidal thoughts.

Nakadagdag din daw na kahit successful ang group nila, ‘yung mag-debut as a solo artist sana siya ay na-delay lang nang na-delay.

“There wasn’t enough focus to finish my stuff. They kept delaying it and then when it comes to basically everything else, you don’t know the details.”

Pero pagdating sa mga co-member niya, good memories naman si Minzy. ‘Yun nga lang dumating din daw sila sa point na dumalang ang pagkikita.

Ang isa sa YG Entertainment Producer na si Teddy ang nabanggit ni Minzy na at that time, napaghuhugutan niya raw ng support. At hanggang sa makilala raw niya si Lord sa naging religion niya.

Ipinaliwanag din niya kung bakit siya nagdesisyon na iwan ang 2NE1 even before na ma-disband ang grupo.

Ayon dito, “I needed some time to deal with my depression, find my own way and decide if this was something I really wanted to do. It was something I was doing for so long, but it was so hard to maintain. I had to find my own direction, and the only way to do that was by leaving the group and fighting for my own will. I was wondering, ‘What was my life about?

“Leaving 2NE1, it’s not about leaving or breaking up the group. It’s that I fought for myself, my own future and what I wanted. I finally chose something for myself. I did feel pressure and a burden when going solo, but it was a good burden.”

At present, kaka-release lang ni Minzy ng first english titled track niya na “All Of You Say.”