THE Supreme Being has better plans for her.

Ang Filipino incarnation of the Iron Lady, si Senadora Miriam Defensor Santiago, ay pumanaw na sa edad na 71.

Dalawang taon na ang nakalipas noong si Lady Miriam ay na-diagnose na nakikipagbuno sa stage 4 lung cancer.

Nang tumakbo ang senadora sa 2016 presidential elections bilang running mate ni Senador Bongbong Marcos na tumakbong bise presidente, inihayag niyang magaling na siya sa kanyang affliction.

Kaya lang, halatang-halata during the kampanya season na “she was not her usual self.”

Madaling mahapo. Sa debates, may times na she was groping for words at tila nawala na ang anghang at apoy sa kanyang mga sinasabi at tirada.

Nitong Hunyo lamang ay isinugod sa ospital at na-confine sa Intensive Care Unit si Sena­tor Miriam dahil sa kanyang karamdaman.

Coincidence lang ba, or part of the Universe’s grand design na dala­wang could have been the best president of our Republic eh nawala agad?

Hindi ba’t si Fernando Poe Jr., muntik nang gawing katotohanan ang bagong umagang kanyang ipinangako?

FPJ suffered from a stroke and slipped into a coma while being treated for a brain clot.

Ngayon naman, after her second presi­dential bid, si Lady Miriam is bringing her causes in heaven.­