Misis, lover naaktuhan nang nagtatalik

DOM

Nalingat lang si mister:

‘Di sukat akalain ng isang mister na sa ilang minuto lamang nitong pagkakawalay sa kanyang misis ay magagawa na itong pagtaksilan nang maaktuhang nagtatalik ang kabiyak at ang kanyang kaibigan sa loob ng bahay sa Barangay Gupitan, Kapalong, Davao del Norte noong Lunes nang umaga.

Dala ng galit ay nagawang patayin sa saksak ng mister ang kabiyak nitong itinago sa pa­ngalang Lisa, at ang kalaguyo nitong si Ted, ‘di tunay na pangalan.

Sa report ng pulisya ay magkasabay pang pumunta ang mag-asawa sa bahay ng kaibigang si Ted para kumuha ng mga patatas.

Dahil walang mapag­lagyan ay saglit na umuwi si mister para kumuha ng basket.

Pagbalik nito sa bahay ng kaibigan ay nabu­laga si mister nang datnang kapwa hubad at sabik na nagtatalik sina Ted at Lisa kaya nagawang pagsasaksakin ang dalawa gamit ang bolo.

Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya ng Kapalong Police ang suspek at nakatakdang sampa­han ng kaukulang kaso.