Patay sa pananaksak ng sariling mister ang ginang na nahuli sa aktong nakikipag-sex sa kalaguyo nito sa Binalbagan, Negros Occidental.
Nakakulong na sa Binalbagan Municipal Police Station ang suspek na si Artemio Electico, 57-anyos, nang mapatay nito sa saksak ang sariling asawa sa Crossing Bakyas, Brgy. San Jose, dakong alas-kuwatro Lunes ng madaling-araw.
Nabatid na mag-iisang taon na umanong hiwalay ang mag-asawa at may iba nang tinitirhan ang biktima.
Matagal na umanong may usap-usapang may kalaguyo ang hindi na pinangalanang ginang at posibleng ito ang rason kung bakit minamanmanan ito ng mister.
Nang maaktuhan ni Electico ang kanyang misis na umano’y nakikipagtalik sa kalaguyo nito na nakilalang si Rosenio Alcala, 48-anyos, nagsuntukan ang dalawa ngunit nakatakas si Alcala kaya naman ang ginang ang pinagbuntunan nito at pinagsasaksak.