TINAWAGAN kami ng mother-in-law ng isang aktor na produkto ng isang reality TV show.
Awang-awa ang mother-in-law ni aktor sa kanyang anak.
Ooops, baka isipin n’yo na naaawa ang mother-in-law ni aktor sa kanyang anak dahil battered wife ito, hindi po!
Naaawa si mother-in-law ni aktor sa kanyang anak dahil sa kagustuhan ni misis na makatulong sa mister na aktor, nagnegosyo ito at nagbebenta ng bags, shoes at kung anu-ano pang designer’s products.
Dahil maraming kaibigan si mother-in-law ni aktor sa basketball world, binentahan ni misis ang asawa ng isang PBA player.
Sa una pa lang, nagkaproblema na si misis sa binentahang asawa ng PBA player, pero dahil malaki ang bayad kay PBA player sa kanilang team, nagtiyaga ang misis ni aktor sa paniningil hanggang sa nabayaran ng asawa ni PBA player ang items na kinuha.
Pero walang kadala-dala ang misis ni aktor dahil nang ma-settle na ang asawa ng PBA player sa mga pagkakautang nito sa kanya, aba, pinautang na naman ni misis ang asawa ni PBA player at mas mamahaling items pa ang kinuha nito.
Nang malaman ni mother-in-law ni aktor na nagpautang na naman ang kanyang anak sa asawa ni PBA player, nagalit na siya sa anak.
Pinagsabihan niya ang misis ni aktor.
Ang dahilan naman ni misis ng aktor, nabayaran ang naunang items na kinuha sa kanya, kaya nagipit lang daw noong una.
Pero heto na… Dusa na naman ang misis ni aktor. Hirap na hirap siya sa paniningil lalo na at mas malaking halaga na ang sinisingil niya.
Iyak na nang iyak si misis ng aktor at kung minsan, naiinis na rin si aktor sa sobrang awa sa kanyang misis.
Kung pwede lang ay gusto na niyang kausapin mismo si PBA player para gawan ng paraan ang mga utang ng asawa nito sa kanyang misis.
Ang nakakaloka pa, ang asawa ni PBA player ang mataray sa misis ni aktor, huh!
Balak ng misis ng aktor aylumapit na sa team ni PBA player para magpatulong nang makasingil siya kahit paano.
***
Birthday kahapon ni Sarah Lahbati.
Bale 23 na ang lovey-dovey ni Richard Gutierrez.
Best birthday gift na natanggap ni Sarah ay ang single niya na Bato-Bato sa Langit na prodyus ng Viva Records.
Bago pa man pumirma ng management contract sa Viva Artist Agency si Sarah ay nangako na sa kanya si Boss Vic na igagawa siya ng album.
Sabi ni Richard, very happy din siya for Sarah dahil noon pa pangarap ng kanyang lovey-dovey na magkaroon ng sariling kanta.