Misis ni Matt, sobrang nai-stress sa paniningil ng utang

Matt Evans

UMABOT na pala hanggang sa piskalya ang usapin tungkol sa pagkakautang ng misis ng isang kilalang PBA player sa misis ni Matt Evans.

Bale pangatlong pag­haharap na raw nila mamaya sa piskalya.

Desidido ang ­misis ni Matt na si Katrina na habulin ang mala­king pagkakautang sa kanya ng misis ng PBA player.

Kumuha sa misis ni Matt ng designer bags and shoes, pati jewelries ang misis ng PBA player.

Parang basketball din na nagsipagtalbugan ang karamihan sa mga tsekeng ibinayad dito.

Samantala, marami ang nagsasabing suwerte si Matt sa pagkakasali sa afternoon series ng ABS-CBN na The Greatest Love.

Napanood namin ang isang plugging ng The Greatest Love at grabe pala ang awayan ng ­pa­milya roon.

In fairness, ­maga­ling umarte si Matt, pero bothered lang kami sa isang aktres na kasali rin doon dahil parang over acting ito sa eksenang napanood namin.

Anyway, going back sa problema ng ­misis ni Matt sa misis ng PBA player, marami ang umaasang makakasingil si Katrina dahil masyado na itong nai-stress dahil sa problemang ‘yon!

***

Noon, malilito ka sa Semerad twins na sina Anthony at David at ­hindi mo basta mai-­identify kung sino sa kanila si Anthony at David.

Ngayon eh madali mo nang makikilala kung sino ang sino sa kanila.

Si Anthony kasi, clean-looking at ­simple lang ang dating. Si ­David naman, rugged-looking at mas maraming tattoo, like ‘yung sa kaliwang kamay niya, kitang-­kita ang napakalaking tattoo niya.

Nang makita namin sila sa birthday ­party ng Cosmo Skin owner na si Niño Bautista kama­kailan, hindi na kami nahirapan pa.

Alam na namin na si David ‘yung naunang dumating.

Kung karamihan ng events na pinupuntahan ni David ay nakabuntot sa kanya ang girlfriend (and live-in partner?) na si Gwendoline Ruais, sa birthday party ni Niño ay ang nagtaka dahil wala roon ang former Miss World Philippines 2011.

May lakad lang daw na iba si Gwendoline.

***

Nakita namin kahapon ang Facebook post ni Ms. ­Lerma dela Cruz-Cailles, former ­singer at ngayon ay kilalang show producer/­promoter sa Amerika.

Ang pictures ng surprise ­visit sa bahay nila sa Daly City nina ­Gerald Anderson at Bea Alonzo (kasama ang ilan pang mga kaibi­gan) ang ipinost ni Tita Lerma sa FB.

Sabi ni Tita Lerma, touched siya sa ginawang ‘yon nina ­Gerald at Bea.

Malapit kay Tita Lerma sina Gearld at Bea dahil ilang shows na nakasama ang dalawa at iba pang Star Magic artists ang nagawa na niya.

Sa nakita naming pictures na magkasama sina Gerald at Bea, ­obvious na masayang-masaya sila sa Amerika.