Misis ni-rape slay, 2 anak sinaksak sa Cavite

Kamatayan ang sinapit ng isang 35-anyos na misis habang isinugod naman sa ospital ang dalawang anak nito sanhi ng mga tama ng saksak sa Naic Cavite kamakalawa.

Hinalay at pinatay sa saksak ang biktimang si Analyn Maloloy-on y Puntod, habang pinagsasaksak din ng nakatakas na suspek ang mga anak niyang sina Lawrhea Atiagan y Maloloy-on, 14; at Lawrence Atiagan y Maloloy-on, 9-anyos na kritikal ngayon sa ospital.

Ayon sa report, pinasok ng suspek na si Rene Boy Lacaba alyas Kiboy, 29-anyos, ang bahay ng mga biktima sa ilang na lugar ng Sitio Gugo, Brgy. Malainen Bago, Naic Cavite pasado alas-nuwebe ng gabi at isinagawa ang krimen.

Patuloy na tinutugis ang suspek na nahaharap sa kasong Rape with Homicide at Double Frustrated Murder.