Nilikida ng hindi nakilalang suspek ang isang 33-anyos na ginang habang pasakay sa Lipa City, Batangas kahapon.

Ayon sa ulat, dakong ala-1:47 ng mada­ling-araw, matapos lumabas sa Event Center ang mag-anak ng biktimang si Mary Ann Togonan y Llanes ng Villa de Lipa 1, Brgy. Marawoy sa na­sabing lungsod at pasakay na sana sa Isuzu Trooper (XRA 226) nang biglang bumaba ang suspek sa nakaparadang kotseng katabi nito at barilin sa ulo ng isang beses.

Bunsod nito’y agad nasawi ang biktima sa harap ng kanyang mga natulalang mga anak.

Napag-alaman naman sa imbestigasyon na kasama sa mga sumuko sa Oplan Tokhang ang biktima.