Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng hindi pa nakikilalang salarin ang isang ginang habang ito ay nakaupo sa harapan ng kanilang bahay kahapon nang madaling-araw sa Taguig­ City.

Sanhi ng ilang tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril, namatay noon din ang biktimang si Myrna Gutierrez, 47, naninirahan sa Carlos St., Phase 6 Brgy. Calzada Tipas ng nasabing lungsod.

Sa report na natanggap ng Southern Police District (SPD), alas-kuwatro nang madaling-araw nang maganap ang insidente sa Impiang Carlos St., Phase 6, Brgy. Calzada Tipas.

Sa report, habang nakatayo ang biktima sa nabanggit na lugar ay biglang sumulpot sa harapan niya ang isang lalaki na armado ng baril at niratrat ang biktima. Nang matiyak na napuruhan ay tumakas na ang suspek na naglakad lamang.