Misis sa N. Ecija nasawi sa grounded na refrigerator

GUIMBA, Nueva Ecija — Nagtamo ng third degree burns ang isang 53-anyos na ginang na ikinasawi nito noong Sabado ng hapon sa Brgy. Maybubon sa bayang ito.

Sa ulat ni P/Supt. Recie Duldulao nakilala ang biktima na si Analiza Lagrimas Nool na namatay noon din at hindi na nadala sa pagamutan.

Ayon sa imbestigasyon dakong alas-tres ng hapon naganap ang insidente sa tahanan ni Maria Nool, 80.

Naglilinis umano ang biktima sa kusina nang aksidenteng nahawakan ang grounded na likuran ng refri­gerator na kagya’t nitong ikinamatay.