Misis tinadtad ng saksak ni mister

UTOL SINAKSAK HABANG TULOG

Patay ang isang ginang nang pagsasaksakin ng kanyang sariling asawa matapos mag-away ang mga ito ­kahapon ng madaling-araw sa Muntinlupa City.

Namatay noon din si Romelyn Alaro, 29-anyos, taga-GK Sison Compound, Magdaong Drive, NBP Reservation, Barangay Poblacion ng naturang lungsod sanhi ng tinamong mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang suspek na si Richard Alaro, 31-anyos.

Sa inisyal na report kay Supt. Marites Salvadora, deputy chief of police ng Muntinlupa City, alas-3:30 ng madaling-araw nang matagpuan ang duguan at wala nang buhay na biktima sa loob ng kanilang bahay.

Bago ang pagpatay, ayon sa ina ng suspek na si Julieta Alaro, alas-11:00 kamakalawa ng gabi nang magtalo ang mag-asawa sa hindi mabatid na dahilan at pagsapit ng ala-una kahapon ng madaling-araw ay lumabas ng kanilang bahay ang suspek at iniwang patay ang kabiyak.