Literal na bitbit ni 2019 Miss Universe Netherlands Sharon Pieksma ang kanyang adbokasiya sa national costume niya na tadtad ng mga basura mula sa beach cleanups.

Katulong aniya niya ang higit­ 200 batang mag-aaral sa pagdidikit ng mga basura sa kanyang asul na gown, kaya mayroon din itong mga drawing ng mga isda at dagat.

Ang kampanya ni Sharon, bawasan na ang paggamit ng single-use plastics.
“Our seas are so important for our wildlife and for us, so my mission is a world with less single-use plastics,” ayon sa tinaguriang “Goddess of the North Sea”.

“Just think twice with what you use, because even the small steps count so much. If you do it all, then it’s just a big change,” dagdag niya.

Ginanap kahapon, Lunes, Disyembre 9, ang coronation night ng 68th Miss Universe sa Tyler Perry Studios sa United States. (RC)