Ni Archie Liao

Nakakatanggap ng bashing ngayon sa social media ang Miss Universe first runner-up na si Tamaryn Green.

Marami kasing netizen ang nag-react sa pag-unfollow niya sa bagong Miss Universe na si Catriona Gray.

May mga nagsasabing ‘bitter’ daw si Tamaryn dahil sa kanyang pagkatalo.

Sinegundahan pa ito ng iba sa pagsasabing hindi raw sport ang South African beauty queen sa pagtanggap ng kanyang naging kapalaran sa naturang pageant.

Meron namang dumepensa sa kanya at nagkomentong karapatan daw nito na mamili ng mga feed na papasok sa kanyang social media account.

Proteksyon na rin daw ito sa kanya para hindi na siya labis na maapektuhan o madurog pa ng anumang balita na may kinalaman sa kanyang naging mahigpit na kalaban sa nakaraang Miss Universe pageant.Hirit pa ng ilan, hindi na rin daw ito dapat kuwestiyunin dahil choice niya kung ano ang gusto niyang mabasa para na rin sa kanyang peace of mind at para mai-preserve ang kanyang self-esteem.