HAVEY: After ilang araw na i-post ni Ines Ligron, isang French fashion & beauty expert na may breaking news day siya na Miss Universe has pulled out and would not be held in the Philippines anymore — sumagot na ang kila­lang beauty queen-maker and mentor na si Jonas Gaffud na may breaking news din siya at ang ibang tao ay nandiyan lang para manggulo.

“Some people are real­ly out there to just annoy others,” sabi ni Jonas.

Ni-reconfirm ng Department of Tourism na ang next Miss Universe pageant will be held in Manila in January 2017.

The candidates will start arriving on January 13. Iba’t ibang pre-pa­geant activities ang magaganap showcasing our many different beautiful tourist spots to be covered by multi-networks.

Meaning, magkakaroon ng iba’t ibang nakatokang event ang iba’t ibang networks.
Kaya, sama-sama at may partisipasyon ang lahat dito sa malaking event na ito.

The coronation will be held on January 30 at the MOA Arena. Puspusan na ang paghahanda ng logistics para rito.

Nag-post na rin si Jonas ng mga official candidates ng ilang bansa na tapos na ang local searches, kaya it’s time for our representative Maxine Medina to level up and give the crown her best shot!

***

WALEY: Gugunitain ng pamilya ni Jaya at ng kapatid niyang si Susan Ramsey sa death anniversary ng Queen of Pinoy Rock ‘n Roll na si Elizabeth Ramsey.

Noon pa mang nakaburol pa lang hanggang sa inilibing si Mama Beth (kung tawagin siya ng mga malalapit sa pamil­ya) ay nanahimik na lang ang Queen of Soul Jaya sa mga pinagdaanan niya sa pag-aasikaso ng mga hu­ling araw ng kanyang ina.

Ngunit nang duma­ting ang kapatid nitong si Susan ay nabago lahat ng plano (na ayon dito ay maraming inihabilin si Mama Beth na hindi sinunod ng kapatid).

Umabot pa ito noon sa pagtatalo nila sa burol at pagkaantala ng libing at pagpapa-barangay.
Simula noon, ang attitude ni Jaya ay pananahimik at pagpapaubaya na.

Kristiyano kasi si Jaya na anuman ang mangyari sa kanyang ina ay katawang tao na lang ito at ang mahalaga ay ang magandang paggunita ng mga tao sa kanya.

Kung matuloy man ang paglilipat ng mga labi ni Mama Beth mula Antipolo papuntang Neg­ros pagkatapos ng misa ngayong tanghali, siguro ay deadma na lang si Jaya.

Isang taon na mula nang siya lahat ang umasikaso sa ina at kahit medyo limitado ang kanyang resources at that time (may teleserye pa siya sa GMA 7 habang papawala na noon ang kanilang noontime show), ngayon ay finally nagkaroon ulit ng panibagong sigla ang kanyang career sa paglipat niya sa ABS-CBN bilang hurado ng Tawag Ng Tanghalan sa It’s Showtime.

Masasabi na rin siguro natin na ginagabayan ni Mama Beth ang kapalaran ni Jaya at sana ay bumongga ulit ang kanyang singing career sa pagiging Kapamilya.

Sana rin ay gumawa ng paraan si Mama Beth na pag-ayusin ang magkapatid na Jaya at Susan para hindi na mag-iringan sa publiko.

Hindi kasi magandang magbangayan sila sa media.

***

For your comments, opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me at @iamnoelferrer.