Inanunsiyo na ng Miss Universe Organi­zation kung saan isa­sagawa ang Miss Universe ngayong taon.

Sa Facebook post nitong Nov. 1, ipuputong ni Miss Universe 2018 Catriona Gray ang korona sa kanyang successor sa Atlanta, Georgia sa December 8 na ieere nang live mula sa Tyler Perry Studios.

Target ng pambato ng Pilipinas na si reigning Miss Universe Philippines Gazini Ganados na masundan ang yapak ni Catriona para sa back-to-back win ng bansa.