Miss Universe candidates, naibili na ng eroplano at yate

PINAG-UUSAPAN na ang Miss Universe na gaganapin sa Enero 30, 2017 sa Pilipinas.
Sa social media, may lumabas nang presyo ng mga tiket. Ewan kung totoo ‘yon.

Walang gagastusin ang gobyerno ni Pangulong Rodrigo Duterte sa timpalak.
Iyong $12M na budget ay pagtutulungan ng malalaking kumpanya at mga taong gustong makatulong para ma-promote ang ating bansa.

Isa na rito ang si Chavit Singson.
Kuwento ni Manong Chavit, “Kinausap ako nu’ng nakabili ng sa grupo ng Miss Universe.

Nakiusap sila, kasi, maganda rin sa Pilipinas, magandang advertisement to everybody.
“That’s the biggest beauty contest sa buong mundo. So, ako, subukan ko and mukhang matutuloy na. Formalities na lang kulang.”

Matagal na nila itong napag-usapan at nakausap na niya ang ilang taong puwedeng tumulong at positibo ang sagot.

“Before elections pa, nag-uusap na kami ng Miss Universe group. Pumayag naman ang presidente nang magpaliwanag si Sec. Wanda, may go signal na si presidente,” pahayag nito.

Kaya gusto nilang matuloy sa atin dahil malaki raw ang maitutulong nito para ma-promote ng husto ang Pilipinas, lalo na ang turismo nito.
Mahirap mabawi ang $12M na gastos…

Saad ni Chavit, “Baka malugi pa kami dyan, eh. Dahil malaki ang 12 million, eh.

“Pero marami naman kaming katulong. For example, mga malalaking hotels. Nakausap ko na lahat, the Okada group, Solaire, Resorts World, City of Dreams.

“Pumayag na sila na tutulong for the accommodation.

“Of course, may mga sponsors pero baka malugi kami dahil malaking gastos ‘yan, eh.
“We don’t mind dahil ma-advertise naman lahat ang mga negosyo dito sa buong mundo.

‘Yun ang sitwasyon ngayon, formalities na lang ang kulang.”
Dagdag pa niyang kuwento, “Napaghandaan na ang lahat.

Meron nang eroplanong gagamitin, may mga buses na, na-coordinate na ang mga buses.
“May binili na rin na yatch. Mega yacht ‘yun na malaki. Parating pa lang from Monaco.”

Isang 148-seater na 747 Boeing ang eroplanong nabili, at nahatid na rito sa ating bansa.
Ipinakita niya sa amin ang litrato ng yate na parating. Isang mega-yacht daw ito na isang Alpha Marine gawa pa sa Italy.

Nilinaw niyang hindi raw siya ang bumili nu’n. Napapagtulungan lang daw para gamitin sa darating na Ms. Universe.

Ang anak ni Manong Chavit, ang kasalukuyang Ilocos Sur governor na si Gov. Ryan Singson ang isa sa excited kung matutuloy ito dahil posibleng magkakaroon ng shoot sa Vigan na kasama ngayon sa 7 Wonders of the World.

“Hopefully, and we’re looking forward na kahit isang pre-pageant lang dito sa Vigan. It will help our tourism. Kasi, makikita ‘yan sa buong mundo eh.

“We will showcase our tourism spots here in Ilocos. Malaking bagay po ‘yun,” pakli ni Gov. Ryan Singson.