Kumpirmado na hawak pa rin ng Binibining Pilipinas Charities Inc. (BPCI) ang franchise ng Miss Universe PH.
Kamakailan kasi ay umugong ang balita na ang Former Ilocos Sur Governor na si Chavit Singson ang mamahala ng franchise ng Miss U PH.
Kinumpirma mismo ng Miss Universe Organization ang isyu sa ABS-CBN News Anchor na si MJ Felipe, nito lang Linggo.
Bahagi ng Official Statement ng MUO,
“The Miss Universe Organization has had a very successful, decades long relationship with Stella and Jorge Araneta and Binibining Pilipinas Charities, Inc. Stella is an icon in the pageant community and under her guidance, many young women have proudly represented the Philippines on the international stage, in addition to four amazing Filipinas who have gone on to bring home the Miss Universe crown.”
Kinilala rin ng MUO ang malaking ambag ni Singson para matagumpay na maganap ang Miss Universe sa ‘Pinas nitong 2016.
Paliwanag naman nila tungkol sa isyu ng pagbili umano ng franchise ni Singson, “We look forward to the collaboration and innovation to bring an exciting future to Miss Universe Philippines and our beloved fans in the country.”
Sa ngayon ay hawak na ng BPCI ang Miss Universe at mananatiling “Binibining Pilipinas-Universe” ang titulo na nagsimula pa taong 1964.
Dahil dito, hindi si Catriona Gray ang huling Binibining Pilipinas-Universe.