MUKHANG Miss Universe is so ridiculously expensive to host.
Nasabi na ng ating Secretary of Tourism na, “The President agreed that sponsoring the event would be a tourism marketing coup with the Philippines’ Miss Universe Pia Wurtzbach at the helm.”
Pero wala pa ring katiyakan si Tourism Secretary Wanda Teo sa pagdaraos ng pageant sa bansa.
Hamon pa rin sa kanya na magawa ito kaya aniya, “Sponsoring Miss Universe is our focus right now, with the plan and sources of funding in tow.
“We are ready to seize the moment.”
Pero nang mabalitaang $10M to $12M ang cost of mounting the pageant, ang sabi ng ating Presidente Digong Duterte, “Dili ko [mugasto] (I would not spend money on that).”
Kailangan nga namang i-prioritize ng bansa ang ibang bagay pati na ang kampanya nito for higher infrastructure spending.
At kahit dumalawa pa rito ang top officials from the Miss Universe Organization including president Paula Shugart and Shawn McClain, vice president for Marketing and Business Development kasama ang ating Department of Tourism, ang target nila ay ang pribadong sektor para mag-shoulder ng budget at hindi ang pamahalaan.
***

Kinumpirma kahapon sa isang presscon ni Tourism Secretary Wanda Teo na nakatakda na sa January 30, 2017 ang Miss Universe 2016 sa ating bansa.
Siniguro ni DOT Secretary Teo na ang private sector ang gagastos sa naturang pageant.
Kung matutuloy, ito na ang ikatlong beses nating magiging host sa Miss U pageant.
Una noong 1974 na ang reigning queen ay ang ating kababayan na si Margarita Moran, at pagkatapos ay noong 1994 noong panahon ni Dayanara Torres.
Tiyak aabangan ang pagsasalin ng korona ni Pia Wurtzbach sa kanyang successor at ang pakikiharap ng host na si Steve Harvey sa mga Pilipino pagkatapos ng kanyang malaking announcement booboo noong isang tao.
Wait and see tayo hanggang January!
Alam n’yo naman sa mga ganito, anything can happen. Pero we wish them all the best pa rin!