Miss World Philippines poor third sa Binibini, Mutya

tonite-this-is-it-roldan-castro

Tinanong namin ang ilang nakapanood ng Miss World Philippines kung kung ano ang masasabi nila? Ano ang ranking nito kung ikukumpara sa Binibi­ning Pilipinas at Mutya ng Pilipinas. Base sa mga nakatsikahan naming poor third diumano ang MWP.

“Iba pa rin dating ng Binibini. Yes, maganda stage ng MWP pero chaka ng ilaw. Sagabal sa gown, di mo ma-appreciate ang gown,” sey ng isang blogger.

“Hindi ko gusto ‘yung pag-serenade ng mga Kapuso boys. Ang chaka. Hindi makasabay sa music sina Kristoffer Martin, Gil Cuerva, David Licauco,” puna ng isang katoto.

“Nakukulangan ako sa production and entertainment purposes ng Miss World.”

“As usual, superb ang Binibini, makikita mo ‘yung mastery at fabulous ang staging and productions. Ang Mutya, dahil sa 50th anniversary, maraming­ ginulat. Obvious na ginastusan at nagwaldas ng pera to become grandest. Ang ranking nila Binibinini, Mutya, Miss World. Base ‘yan sa staging nila. Walang bias ‘yan,” sambit naman ng isang pageant organizer.

Pinuna rin ang Mr. World 2012 na si Francisco Escobar from Colombia na naging host.

“Foreigner na bulol kaya di na pinagsalita. Sinalo na lang ni Ruffa Gutierrez. Siguro bina- bash sila kaya last mi­nute si Ruffa ang suma­lo ng script at naging tandem ni Carla Abellana. Hindi ko gusto ang host na lalaki. Bakit binigyan ng ilusyon?”

“Like Mutya, pasabog din ang candidates ng Miss World. Andami ring magaganda. Sa evening gown, kaila­ngang i-improve ang lineup ng designers. Sa hosting both need improvement pero di naman sobra. Sana they teach hosts not to rely on teleprompter na sobra-sobra. Para kasing robot panoorin minsan,” puna ng mataray na pageant blogger.

Talbog!

Genesis birthday concert

Pasabog ang birthday show ng “Queen of Entertainment Bar” na si Mommy Genesis Gallios sa October 12 sa Music Museum., 8 PM. Pinamagatan itong “Rise Up”.

Masaya ang show dahil guest sina Boobsie Wonderland, Kiel Alo, Prima Diva Billy, Andres Vasquez, Frankendal Fabroa, Orville Tondo, Ambet Nabus, Kyle Matthew Manalo, Jervy delos Reyes, Led Dancers, bikini models at impersonators.

Para sa ibang detalye tumawag sa 09267212369.