tonite-this-is-it-roldan-castro

Anyare sa Miss World Philippines. Parang wala lang. Dumaan lang..ganern? After ng koronasyon nakakabingi na ang katahimikan. Ni hindi na pinag-uusapan umano ang mga winners. Wala na ka­ming nababasa o naririnig.

Markado rin ang puna ng blogger na si @byxbuzz sa nasabing pageant nu’ng koronasyon. “Kaloka akala mo may fog sa stage. #MWP2018. Ang chaka talaga ng ilaw!!! @MsWorldPhil.

Sinundan pa niya ito ng tweet na”Ang chaka ng lighting & camera shot!!! Di tuloy ma-appreciate ang gown.”

So, alam na sa susunod kung ano dapat gawin.

Kim, Angeline, Enchong, McCoy magpapasiklab sa 32nd Star Awards for TV

Muling magniningning ang entablado sa pagtitipon-tipon ng mga natatanging alagad ng telebisyon sa Gabi ng Parangal ng 32nd Philippine Movie Press Club (PMPC) Star Awards For Television, sa ika-14 ng Oktubre, 2018, sa Henry Lee Irwin Theater, Ateneo de Manila University, Quezon City.

Kabilang ang pinakamataas na parangal na Best TV Station, bibigyan din ng pagkilala ang mga natatanging programa, hosts, newscasters at mga artista, na taon-taon ay inaabangan ng mga manonood ng telebisyon.

Magsisilbing mga host sa gabing ito sina Jodi Sta. Maria, Julia Barretto, Yassi Pressman, at Robi Domingo.

Aawitin nina Kiana Valenciano, Isabela Vinzon at Jayda Avanzado ang isang Ariana Grande medley. Paiinitin naman nina Jerome Ponce, McCoy de Leon, Charles Kieron, Heaven Peralejo, Vivoree Esclito at Michelle Vito ang entablado sa isang dance number.

Sing and dance number ang ihahandog ni Vina Morales; at Barry Manilow medley naman ang handog ng Broadway Boys na sina Francis, Joshua, Benedict at Joshua, kasama si Mitoy Onting.
Ngayong taon, ang Ading Fernando Lifetime Achievement Award ay ipagkakaloob kay Quezon City Mayor Herbert Bautista; ang Excellence in Broadcasting Lifetime Achievement Award naman ay kay Arnold Clavio.

Tatanggapin naman nina Coco Martin at Yassi Pressman ang German Moreno Power Tandem of the Year.

Samantala, dahil umabot na sa 15 awards ang ASAP bilang Best Musical Variety Show, iluluklok ang programa sa Hall of Fame Award, at mapapahanay ito sa mga nauna nang Hall of Famer na Maalaala Mo Kaya (Best Drama Anthology), Bubble Gang (Best Gag Show), Eat Bulaga (Best Variety Show) at Boy Abunda (Best Male Showbiz Oriented Talk Show Host).

At bilang tribute sa pagluklok sa ASAP sa Hall of Fame, sa opening number ay maghahandog ng awitin ang mga ASAP mainstays na sina Angeline Quinto at Darryl Ong; at masiglang dance production number naman mula kina Kim Chui at Enchong Dee, kasama ang G Force.

Sa pamunuan ng kasalukuyang pangulong Joe Barrameda, mga opisyal at miyembro, ang 32nd PMPC Star Awards For TV ay mula sa produksyon ni Ms. Tess Celestino ng Airtime Marketing Philippines at sa direksyon ni Bert de Leon. Mapapanood ang kabuuan ng palabas sa Oktubre 28, 2018, sa ‘ABS-CBN Sunday’s Best’ pagkatapos ng ‘Gandang Gabi Vice’.